+Keizer POV+
"Nice View!"
Narinig kong sigaw ng isang babae sa may gawi kong likuran. Nasa kalagitnaan ako ng paghalik sa babaeng nakilala ko dito sa bar at naiinis kong hinarap ang pinaggalingan ng boses na nagpatigil sa ginagawa naming milagro.
Fuck! Its Abigail. My girlfriend. How the fuck did she know I'm here?
"A-abby. It's not what you think." Mabilis kong pagpapaliwanag sa kanya.
"No. It's ok. Ipagpatuloy ninyo lang yan. I won't disturbed you, anymore." Nakangiti niyang sabi sa akin na halos unti-unting naglalaho ang boses na mayroon siya bago tuluyang maglaho sa paningin ko.
Abigail Samonte is my ideal girlfriend. Kahit pa anong gawin kong kalokohan, she doesn't have the guts to leave me. In fact, siya pa ang laging naghahabol kahit na may iba ako, kahit na madami akong kalandian. I don't know but it is ok for her as long as she is my girlfriend. She really loves me. She really do.
"Baby Kei." Tawag sa akin ng babaeng kahalikan ko kani-kanina lang. Sa halip na sumagot ay pinagpatuloy ko ang halik na naudlot sa pagitan naming dalawa dahil sa sagabal kanina. Bukas ko na iintindihin si Abby. Sigurado naman akong hindi niya ako matitiis.
"SHE WILL NOT TRY TO CATCH YOUR ATTENTION"
Kasalukuyan akong nasa loob ng aming silid-aralan. Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang yamot. Nakakatamad talagang mag-aral. Mabuti nalang at mabait si Abby. Hindi ko problema ang mga takdang aralin at pagsusulit dahil lagi niya akong sinasalo.
Nakatulala lang ako ng bigla kong mapansing dumating na si Abby. Wala pa sa sampu ang nasa silid-aralan. Maaga lang kasi talaga siyang pumasok kaya inagahan ko din, pero hindi para humingi ng patawad sa ginawa ko noong isang gabi. Alam kong kahit ako ang may kasalanan, hindi niya ako kayang tiisin. She will pursue me, that's for sure.
Limang minuto, sampung minuto, trenta minuto na ang lumilipas pero hindi pa din niya ako nilalapitan. Malapit ng magsimula ang unang subject namin pero hindi pa din niya ako kinakausap. May lakas na siya ng loob ngayon? Then, let's see. Kung sino ang hindi makakatiis. I know it's you.
"SHE WILL NOT FIGHT FOR YOU ANYMORE''
Dumaan ang ilang araw, ilang linggo, wala talagang nauunang pumansin sa amin. Patigasan ba ang habol niya? Akala niya ba mananalo siya sa akin? Ilang linggo na din akong bakante. I'm free to flirt with someone else. Ang sarap ng buhay ko. No one dares to confront me. Walang babaeng hahabol habol at nagagalit sa kung anong ginagawa ko. Akala ba niya bibigay ako? Sad to say. I won't.
======================================================
"I caught him again flirting with that bar, Gail. Ewan ko ba sa'yo kung bakit mo minahal yung lalakeng un!"
Tatambay lang sana ako sa garden ng marinig ko ang pag-uusap ni Abby at Lizzy, ang bestfriend niya. I knew it. She still loves me. Lagi niya akong pinagtatanggol sa kaibigan niya tuwing may sinasabi itong masama sakin. Nakita ko itong ngumiti kay Lizzy.
"Let's not talk about him, Lizzy. Tara na at umuwi na tayo. It's getting late."
Nakaalis na sila't lahat pero nandito pa din ako, nakatayo at nakatulala. Hindi ako makapaniwalang yun lang ang sinabi ni Abby. Hinintay kong sabihin niya ang mga katagang "Hindi mo siya kilala, Lizzy!" o kaya naman "Akala mo lang yun. Mahal ako ni Keizer. And I trust him."
I brushed all the crazy thoughts I had in mind. One thing I'm sure is she still loves me. At alam kong babalik din siya sakin.
"SHE WON'T REPLY TO YOUR MESSAGE AS QUICKLY ANYMORE AND SHE WON'T TRY TO KEEP THE CONVERSATION GOING"
"Hi!" I tried texting her.
Months have passed and Abby still not tried for even a single time to talk to me. I hate this feeling but there's this thing that's bothering me. So here I am, trying to reach her. Fine! Ako na ang sumuko. I'm going to take her again because I want to. She's my ideal girl anyway. Lumipas ang sampung minuto bago ko marinig na tumunog ang cellphone ko.
"Need something?" Pagbabasa ko sa text niya.
"Wala naman. Nangangamusta lang."
"Ahh."
"Ehh."
Is this really Abby? Bukod sa nakakainis ang mga text niya, ang tagal pa niyang magreply! This is totally not her. Madaming kwento ang Abby na kilala ko. Naaalala ko pa, buong buhay niya ata gusto na niyang ikwento noong mga panahong maayos pa kami. Ganyan ka na ba katigas ngayon? Sinubukan ko ulit itext siya, ng paulit-ulit pero wala na akong natanggap na kahit anong reply galing sa kanya.
"SHE WILL NOT CARE ANYMORE"
"Look. I'm sorry, Abby." Nakatitig kong sabi sa kanya.
Hindi na ako nakatiis. Hindi na ako mapakali sa inaakto niya. Nakatayo ako ngayon sa harapan niya, humihingi ng tawad, nagmamakaawang bumalik na siya. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko, nangungulit, naglalambing. I just want us to go back to the way we used to be. Akala ko kapag sinabi kong patawad, tatanggapin niya. Akala ko, tulad ng dati, kapag sinabi kong sorry, iiyak siya sa harapan ko at sasabihing mahal na mahal niya ako. Pero hindi, hindi niya ginawa ang mga bagay na inaasahan ko. Tumingin lang siya sa akin at ngiti ang tinugon sa paghingi ko ng kapatawaran.
"Ano ka ba? Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang masama sakin ah? Sige na. May gagawin pa kasi ako ih." Walang emosyon niyang sagot sa sinabi ko.
Pagkatapos ay lumabas na ng silid aralan at iniwan akong nag-iisa habang nakatingin sa kawalan. No. She really don't care about me now?
"SHE NO LONGER GET JEALOUS"
I've made a plan. I'm going to make her jealous. I don't know if it will work, but I'm still going to try. Desperado na ba ako? Mahal ko na ba talaga siya? I don't fucking know. All I know is I want her back. I miss her laughs, her smile. I miss all about her. Pumili ako ng babaeng kaklase namin para ligawan. Dapat yung pinakamaganda. Syempre, dapat yung pangalawa sa kanya. Abby is the most beautiful girl in our class.
I started my plan. Halos lahat ng kaklase namin, naghihiyawan noong tinanong ko si Zarah kung pwedeng manligaw. Yun nga lang, hindi ko na daw kailangan manligaw dahil sinasagot niya na ako. Too easy. Girls are really something. They always step on a dangerous path without even knowing what the result will be, without even thinking if the decision they're making is the right one. That's why they are so easy to play around. But Abby is different, she makes it so hard for me. Hindi ko mabilang kung ilang bagay ang pinilit kong gawin mapasagot lamang siya.
With my whole relationship with Zarah, I intentionally show sweetness in front of Abby. But she reacted nothing. Hindi ko siya nakitaan ng selos kahit kaunti lamang. Hindi man lang bumahid sa mga mata niya ang lungkot sa bawat imaheng pinapakita ko sa kanya.
I broke it off with Zarah. Does Abby really get over me? I'm feeling scared. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang may isang libong karayom ang unti-unting tumutusok sa puso ko hanggang tuluyan ng madurog ito.
"SHE NO LONGER GOES TO YOUR PROFILE AND WHINE TO PEOPLE HOW HAPPY YOU ARE, TALKING TO OTHER GIRLS"
"Kuya! Painternet naman!" Sigaw sa akin ng nakababata kong kapatid. Kanina pang umaga ako nakatutok sa PC namin at ngayon, hindi ko namalayang hapon na pala.
Nag-eenjoy akong maglaro nang maisipan kong sumilip sa mga past activities ng facebook ko. Nandito pa din yung post noong oras na nagmamaktol si Abby dahil ang dami dami daw niyang nakikitang mga post ng babae sa profile ko. Back then, Abby is really insisting to have my facebook credentials. But I never gave it. There's so many fling messages in my account. Paniguradong katakot takot na ingay ang matatamo ko kung binigay ko yun ng panahon na yun.
Bumisita ako sa facebook profile ni Abby. Hindi naman siya yung tipo ng babaeng palaging online. The last of her post was her whining over me.
"Nakakaasar! Ang dami talagang malalandi! Better distance yourself to him kung hindi, makikita ninyo ang hinahanap ninyo! -Feeling Annoyed"
Natawa naman ako dun. Annoyed talaga. Damn it. I really miss her. I fucking miss her.
"Kuya. Why are you crying?" Nagtatakang tanong ng kapatid ko.
Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin at mas lalong hindi ko napansin ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mata ko. I love her. I love Abigail. And I'm sure of it now.
"SHE WILL FLIRT AND TALK TO OTHER GUYS"
I'm determined. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Hindi pwedeng hindi. I want her back. I need her back to me.
Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko pagpasok na pagpasok ko sa aming silid-aralan. It is Abby. It is her and she's talking with guys. She smiles and laugh at them. Pinapakita niya sa mga lalaking yun ang mga bagay na sa akin niya lang pinapakita dati. Nagpanting ang tainga ko ng marinig ko pang binobola siya ng mga hayop na mga kaklase namin.
The Abigail I know is afraid to talk with other guys.
Ako lang ang kinakausap.
Ako lang ang nginingitian.
Ako lang ang nakakakita ng tawa niya.
Hinila ko ang upuan sa harap ko at sumalampak para matigilan sila sa pagkekwentuhan. I stared at them with a really angry look. Yaong tipong sinasabi kong kapag hindi nila nilayuan si Abby, humanda sila sa akin mamaya.
Ilang minuto lang ang nakalipas, nagpaalam na sila kay Abby. Mga duwag! Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Abby pero kumuha lamang ito ng earphone at nagsimulang magsoundtrip. Nanginginig ang kamay ko. Nanginginig ang dugo ko. It is the first time I've felt this way. I'm jealous. I'm fucking jealous! Gusto kong ako lang ang kakausap sa kanya. Ako lang ang magpapangiti sa kanya! I'm going crazy!
"SHE NO LONGER CARE IF YOU CARE OR NOT ANYMORE"
"SHE WILL GIVE UP ON TRYING TO MAKE YOU LOVE HER, BECAUSE SHE FINALLY REALIZE SHE DESERVES SOMEONE BETTER"
"Really? Kailan ka pa natutong magbiro, Keizer?" Tatawa tawa niyang sabi sa akin.
Sinubukan kong ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko at ito ang kinahinatnan. Hindi niya ako pinaniniwalaan. She takes it as a joke.
"I'm serious, Abby. I want you back. Miss na miss na kita. I realized na mahal na mahal kita." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nakatitig sa mga mata niyang hindi ko na makita ang dating pagtingin na mayroon para sa akin.
"Alam mo, Keizer. Stop acting. Hindi bagay sa'yo."
"Abby!"
"What?! You know what, Keizer. I'm not interested in whatever you will say. Kasi alam mo? Yung puso ko, matigas na. Sobrang tigas na kahit sino, walang makapagpalambot, even you. Frankly speaking, wala akong pake kung mahal mo ako o hindi. I don't give a damn. Alam mo yung suko na? Ako yun. Alam mo yung sobrang manakit? Ikaw yun. Kaya pwede ba? Huwag mo na akong kulitin kasi you get your chance and you blew it off!" Tuloy tuloy niyang litanya. Saglit akong natigilan sa mga sinabi niya.
Hindi siya umiiyak. Hindi siya yung Abby na mababaw ang luha. Kitang kita ko sa mga mata niya yung galit sa akin. When I realized she'll be getting out of reach again, hinabol ko siya at hinablot. I hugged her very tight. I'm hoping she will feel my love for her. Oh God, please help me.
"Please give me another chance, Abby. I-I promise. Nagbago na ako. I'm not the Keizer you know. Hindi na kita ipagpapalit kahit kanino. I won't hurt you. I will always love you. Just-Just please, Abby. One more chance! I'm begging you. Mahal na mahal kita." Ramdam kong tumutulo na ang luha sa mata ko. I'm desperate. I don't want to lose her.
"Uh-uh. You've change for the better. That's great." Pagsasalita siya habang nakayakap ako sa kanya.
"But I've also change, Keizer. Hindi na ako yung tangang Abigail. Hindi na ako yung babaeng hahabol-habol at magmamakaawa sa atensyon ng isang taong hindi naman talaga ako gusto. Yung tatanga tangang paulit ulit na patatawarin ka dahil sa paghahanap mo ng iba. I'm not that Abigail anymore. I deserve someone better. Yung lalakeng aalagaan ako. Yung hindi ako tatratuhing basura. Yung mararamdaman ko talagang hindi niya kayang mawala ako. Yung hahabulin ako kapag nagwalk out ako. Yung pupunasan yung luha ko kapag umiiyak ako. Yung lalakeng handa akong saluhin oras na mahulog ako. Yung kayang makinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay. Yung hindi ako ipagpapalit. Yung open ang private life niya sa akin. Chances are given for those whose deserving for it, Keizer. Yun nga lang, I already gave you many chances and you wasted all of those. Ok lang sanang bigyan ka ng pagkakataon. Pero yung puso ko. Yung puso ko hindi na kaya. Masyadong naging bato dahil sa pagmamahal sa'yo."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ramdam kong hindi mapigil ang luha sa pag-agos sa mata ko. Kasi alam ko na yung ending namin. Tinanggal na ni Abigail ang pagkakayakap ko sa kanya at naglakad palayo. Hanggang hindi ko na sya makita. Hanggang mawala na talaga siya ng tuluyan sa buhay ko.
Time passes by. But I still remember her. Isang araw, nabalitaan ko na lang na nakahanap na siya ng iba, na masaya na siya sa buhay niya. Well, she deserves it. Even if it hurts, I really regret my actions that time. Kung sana inalagaan ko siya. Kung sana, hindi ko siya sinaktan ng sobra. Edi sana kami pa din hanggang ngayon. Edi sana masaya ako ngayon.
#FIN
The Original Quote
WHEN A GIRL GIVES UP ON YOU, GOODLUCK.
When she gives up on you, its obvious.
1. She will not try to catch your attention.
2. She will not fight for you anymore.
3. She won't reply to your messages as quickly anymore.
4. She won't try to keep the conversation going anymore.
5. She will not care anymore.
6. She no longer get jealous.
7. She will flirt and talk to other guys.
8. She no longer care if you care or not anymore.
9. She no longer goes to your profile and whine to people about how happy you're, talking to other girls.
10. She will give up on trying to make you love her, because she finally realize she deserves someone better.
And you will miss her. Missed the way she cared about you. Missed the way she loved you. And you have lost her. So don't take any girls for granted. If you love her, let her know before she gives up.

Comments
Post a Comment