Sikreto Full
Kahit kailan, hindi mababaon sa hukay ang sikreto ng kababuyang ginawa ninyo.
Hindi ko kaya patatahimikin.
Hindi ko hahayaang may mabuhay kahit isa man sa inyo.
Iisa-isahin ko kayo. Dadalhin ko kaya sa nararapat niyong kalagyan. Sa impyerno.
+Narrator's POV+
"Bullshit! What the fuck!" Nagulat si Cor sa malutong na mura ni Tyron na nakapagpatayo sa kanya mula sa kinauupuan niya.
"Anong nangyari?" Tanong niya dito habang pigil na pigil naman ang pagtawa ng mga katrabaho niyang sina Jelinz at Mikhael.
"Thank you for answering the call. Ang duwag mo naman!" Tatawa-tawang sabi ng kanilang Manager na si Aaron kay Tyron.
Ganito lang ang palagi nilang ginagawa sa kanila shift. Walang katapusang biruan at takutan. Bumalik na si Cor sa upuan niya at nagsimulang magtrabaho ng biglang tumunog ang telepono sa tabi niya. Mababakas sa mukha niyaang pagkairita at pagkatamad ng titigan niya ito. Kung hindi lang siguro niya ito trabaho ay ipagsasawalang bahala nalang niya ang kung sino mang tumatawag sa kabilang linya.
"Thank you for calling Globe Technical Support Center. This is Cor, how may I help you?" Bungad niyang sabi matapos sagutin ang tawag.
"Tama na! Maawa kayo."
"Shut up, Melissa! Gusto mo din naman ito, hindi ba? Huwag ka ng tumanggi. Nagpapakipot ka pa!"
"Maawa kayo! Pakawalan niyo na ako!"
Pabalik balik na batuhan ng mga salita ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Tila hirap na hirap ang boses ng babae habang galit na galit naman ang sa lalake. Magkahalong awa at kaba ang naramdaman ni Cor habang pinapakinggan ang mga ito. Animo'y ginagahasa ang babae ng higit sa dalawang lalake. Malinaw na malinaw ang hagulgol ni Melissa at ang tawanan ng mga lalaking bumababoy sa kanya mula sa headset na nakasuot sa tainga ni Cor.
"Hello. Hello po, Ma'am. Ma'am! Ok lang po ba kayo? Hello!" Sigaw niya sa mga ito na tila wala naman atang naririnig na kahit katiting man lamang.
"Napatay ata natin siya."
"Fuck! Anong gagawin natin?"
Biglang namutla sa mukha ni Cor sa narinig. Mababakas ang takot, taranta, pagkaawa sa mukha niya. Kahit anong sigaw ang kanyang gawin ay wala pa din siyang nakukuhang sagot sa kabilang linya. Ang tangi niya lang magagawa ay ang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Hello! Ma'am, please po sumagot kayo! Hello!" Paghihisterikal niyang sigaw na nakapagpalapit kina Jelinz papunta sa kanya.
Paulit-ulit pa din siyang sumigaw pero hindi pa din siya nakatanggap ng sagot. Hinigit bigla ni Tyron ang headset niya at isinuot ito sa kanyang sariling tainga para pakinggan ang kung sino mang may dahilan sa pagwawala ni Cor. Bumugso naman ang luha sa mga mata ng dalaga at malumanay itong pinatahan ni Jelinz na nakatayo na sa tabi niya.
"Wala na. Naputol na yung tawag."
"Ano bang nangyari, girl? Ano bang mayroon doon sa tawag?"
"Yung. Yung caller. Narinig ko yung pagmamakaawa niya habang ginagahasa siya. Hindi nila ako marinig. Hindi ko matulungan si Melissa. Hindi ko siya natulungan." Naiiyak niyang pagpapaliwanag sa kanila.
"Melissa?" Tanong naman ni Mikhael sa akin.
Hindi niya mapakiwarian ang kanyang naramdaman ng mapansin niya ang pagbabago sa mukha ng mga ito nang sumagot siya ng OO. Animo'y bigla silang kinabahan. Nabasag lang ang katahimikan nila nang magsalita si Aaron.
"Ako lang yun. Tinawagan kita saka ko pinarinig yung audio dito sa isa ko pang phone. Ang seryoso mo kasi ." Nakangising pagpapaliwanag niya.
"Ikaw kasi, Cor! Huwag ka ngang masyadong seryoso. Napagdidiskitahan ka tuloy ni Sir." Nakangiting sabi ni Jelinz sa kanya saka sila dali-daling nagsibalikan sa kani-kanilang istasyon.
Bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa pero hindi pa din maalis sa isipan ng dalaga ang reaksyon nila. "Parang may tinatago sila" ang pumasok sa isip niya. Pero sa halip na isipin pa ito ay pinilit niya na lang itong kalimutan at bumalik na sa pagtatrabaho.
=+=+=+=+=+=+
Tumayo si Cor at nagsimulang maglakad papunta sa kanilang pantry para kumuha ng pangpakalma. Kape. Pampawala ng kanyang antok. Pampadagdag ng neybyos, ika nga ng iba.
"Pauwi na kayo, Kuya Karl?" Tanong nito sa janitor na naghihintay ng elevator pababa.
"Opo, Ma'am Cor. " Nakangiti naman niyang sabi dito.
"Ma'am pa eh. Cor na lang. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Salamat at ingat sa pag-uwi, Kuya Karl." Sagot niya bago tuluyang naglakad pabalik kina Jelinz.
=+=+=+=+=+=+
"Uhh."
Nagising si Cor sa bukas patay na ilaw ng monitor ni Tyron. Nakatulog pala siya dito sa tabi ng istasyon ni Jelinz. Namalayan na lang niyang iniwan pala siya ng mga ito dito. Siguro ay nagfood trip na naman ang mga ito sa pantry habang natutulog siya.
Tatayo na sana siya para sundan sila nang bigla na namang magbukas patay ang ilaw sa desktop ni Tyron. Nakaramdam siya ng takot at biglang nanindig ang mga balahibo niya ng mapagtanto niyang mag-isa nga lang pala siya ngayon.
"Shit! Bakit ba nila ako iniwang nag-iisa!" Bulong niya sa sarili.
Nakatitig lang siya sa screen nang bigla ulit itong mamatay. Ngunit hindi tulad ng dati na kulay itim lang ang kanyang nakikita, tumambad sa kanya ang repleksyon ng isang babaeng mahaba ang buhok. Nakasuot ng itim na damit, may mga pasa sa mukha at dumadaloy ang dugo sa kanang parte ng noo. Ang bilog at itim na itim niyang mata ay nakatitig sa dalaga. Napalunok siya at unti unting inikot ang upuan para makita ang babae sa likod niya. Nanlalamig na ang pawis na dumadaloy sa gilid ng mukha niya, pinipilit na lang niyang igalaw ang kanyang katawan na tila ilang oras na inilagay sa pridyder sa sobrang tigas. Bukod pa doon, ang tibok ng puso niya ay animo mga kabayong nag-uunahang lumabas sa dibdib niya dahil sa sobrang kaba.
"Nakatayo siya sa harapan ko, umiiyak siya at titig na titig sa akin." Paulit-ulit niyang pag-iisip habang napapapikit sa takot na pwedeng tumabad sa kanya oras ng humarap na siya sa kanyang likuran.
Napansin niya ang unti-unti nitong paglapit sa kinaroroonan niya pero hindi nito maaninag ang mga paa nito. Para itong nakalutang sa kawalan. Pagtingala ni Cor ay ilang pulgada na lang ang lapit nila sa isa't isa. Tumambad sa kanya ang mukha nitong naaagnas na, nakangiti ito sa kanya na parang gusto na siyang isama sa kung ano mang kalagayan niya ngayon. Imbis na kulay pula ang dugong makikita sa mukha nito ay kulay itim na.
Napasigaw si Cor at napabalikwas sa kinauupuan niya. Napabuntong hininga siya ng mapagtantong masamang panaginip lang pala ang nangyari.
"Hoy Cor. Bakit pawis na pawis ka?" Tanong sa kanya ni Mikhael na kadadating lang kasama sina Jelinz. Galing ata sila sa pantry at nagkainan. Sasagot na sana siya sa tanong ni Mikhael nang halos bumaligtad ang sikmura sa naamoy niya.
"Ang baho naman!" Pagrereklamo ni Tyron habang nakatakip ang ilong niya.
Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng amoy ang bumalot sa paligid nila. Amoy patay. Amoy bulok na kung ano. Hindi niya maisip kung saang parte ng opisina nila nanggagaling ang kakaibang amoy na iyon.
"Tyron, tumawag ka ng Admin." Dali-Dali namang tumakbo palabas si Tyron para ipagbigay alam ang nangyari.
Ilang sandali lang ang nakalipas bago lumabas si Tyron nang bigla namang mamatay lahat ng ilaw sa kinaroroonan nila.
"Peste namang gabi toh oh! Puro kawirduhan ang nangyayari!" Halata sa tono ng boses ni Jelinz ang labis na pagkairita.
Hindi maganda ang kutob niya. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari. Masyado lamang ba siyang nag-iisip?
Nagulat kami sa sigaw ng nagmula kay Jelinz at nilingon ang sanhi nito. Halos masuka ang dalaga ng makita sa harapan niya ang nakahigang katawan ng kanyang boss na si Sir Aaron. Nakamulat ang mga mata nito at may mga bulang lumalabas sa bibig niya.
Rinig na rinig niya ang hagulgol ni Jelinz ng mapansin niya naman ang bukas saradong ilaw ng kwarto ng Manager nila. Nanlamig ang buo niyang katawan at halos manigas ito sa kinatatayuan ng makita ang babaeng nakita sa panaginip niya. Nakatayo sa Manager's Room habang sobra ang pagkakangiti. Tila mapupunit na ang mukha nito sa sobrang lawak ng pagkakangiti nito.
"A-andoon siya. P-palapit siya sa atin."
"Sino?" Tanong sa kanya ni Jelinz.
"Si Melissa. Palapit sa atin si Melissa." Naiiyak niyang sagot sa kanila. Bumakas ang mas matinding takot sa itsura nila.
"Fuck! Hindi ko mabuksan!" Nanggagalaiting sigaw ni Mikhael habang pinipilit niyang buksan ang glass door na nasa harapan nila.
"Ayan na siya. Gumawa ka ng paraan! Bilis na, Mikhael!" Kinakabahan niyang sabi kay Mikhael habang pinapanuod si Melissa na palapit sa kanila.
Bigla namang kumuha ng upuan si Mikhael at inihampas sa pintuan. Ilang beses pa niya itong hinampas bago tuluyang mabasag. Dali-dali naman silang umalis at tumakbo palayo ng mabuksan ang daan palabas.
=+=+=+=+=+=+
"Ano ba talaga kasi ang nangyayari?! Sino ba si Melissa!" Galit na galit na sabi ni Cor sa kanila.
Sinubukan nilang hanapin si Tyron pagkatapos makalabas pero nakita nila ang katawan nitong nakahandusay sa labas ng Admin Room.
Walang buhay tulad ng kanilang Manager. Punong-puno ng tanong ang kanyang isip kung baki at paano nangyayare ang mga bagay na ito.
"Pinatay si Melissa. Pinatay nila si Melissa." Kasabay ng pagkekwento ni Jelinz ay parang nakita niya ang sariling nanunuod sa bawat pangyayari ng gabing iyon.
"Uuwi ka na agad, Melissa?" Sabi ng kanilang Manager kay Melissa na palabas na ng Manager's Room.
Katatapos lang ng meeting nila sa mga prosesong dapat nilang idiscuss sa mga ahente kaya pinagamit ng Manager ang room niya na ngayon ay nasa bakasyon. Parehas palang silang Lead ng mga oras na yaon.
"Oo eh. Pasado alas onse na. Hindi natin namalayan ang oras. May kasama kasing kwentuhan." Nakangiti namang sagot ni Melissa sa kanya.
"Hindi pwede." Bigla namang sabi ni Aaron sa papalabas na si Melissa saka siya hinigit at marahas na inihiga sa mesa.
"Aaron? Nababaliw ka na! Pakawalan mo ako!"
"Huwag ka ng magpakipot! Hindi ba gusto mo naman ito?" Sinimulan namang paulanan ng halik ni Aaron si Melissa habang pilit na kumakawala ang huli.
Mangiyak ngiyak si Cor habang tila pinapanood si Melissa na walang magawa sa hawak ng Manager nila. Tinawag pa niya si Tyron at Mikhael na mga ahente niya para sumali sa kababuyang ginagawa nila. Parang mga demonyo ang mga ito habang pinagtutulungan ang babaeng walang kalaban laban sa mga kamay nila. Ilang beses nilang hinampas ng telepono si Melissa hanggang mawalan ng ulirat. Hanggang malagutan ng hininga.
Kitang kita niya din si Jelinz na nakaupo sa istasyon niya. Naririnig niya ang mga nangyayari. Tinatawag siya ni Melissa pero hindi niya ito pinakinggan. Nagbingi bingihan siya. Hindi siya nagtangkang tulungan ito.
"Matinding inggit ang nagtulak kay Sir Aaron para gawin iyon. Mapopromote si Ma'am Melissa as a Manager imbis na siya. Melissa even dumped him sa panliligaw niya. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Tinakot kami ni Sir Aaron. Hindi namin sinasadya." Mangiyak ngiyak niyang pagpapaliwanag kay Cor.
"Nakakadiri kayo. Nasusuka ako sa ginawa ninyo." Hindi makapaniwalang sabi ni Cor sa kanila. Hindi niya lubos maisip ang ginawa ng mga kasamahan. Hindi niya maisip kung paano nila nasikmurang gawin ang mga bagay na iyon.
Nakatitig lang siya sa kanilang dalawa nang mahagip ng mata niya si Melissa. Nasa loob ito ng cubicle na tinataguan nila. Nakaupo sa bowl sa likod nila Jelinz.
"A-andyan siya. Na-nasa likod nyo siya-a." Nanginginig niyang sabi sa kanila.
Imbis na lumingon ay nag-unahan silang tumakbo palabas ng banyo. Taranta, takot, kaba. Sari saring pakiramdam ang pumapasok sa puso nilang lahat. Hindi naman nila magamit ang elevator dahil sira ang pindutan ng tingnan nila ito. Pumasok sila sa emergency stairs ng palapag na kinaroroonan nila at nagulat sila ng nadulas si Mikhael at tuloy tuloy na nahulog pababa ng hagdanan.
"Mikhael!" Sigaw ni Jelinz dito.
"Wala na siya. Patay na siya Jelinz." Lumingon si Jelinz kay Cor na bigla namang sumaksak sa tagiliran niya ng patalim na kanina pa nito tinatago sa bulsa niya.
"Cor?" Nagtataka nitong tanong sa kanya saka pinigil ang pagdanak ng dugo sa tagiliran niya.
"Masakit ba? Mamamatay ka na, Jelinz. Natatakot ka na ba?" Nakangisi sabi sa kanya ni Cor.
"Bakit, Cor? Bakit? Hindi ko maintindihan." Nauutal niyang tanong sa dalaga.
"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa walang kwentang tao na katulad mo, Jelinz."
Sagot sa kanya ni Cor. Unti-unti niyang inalala kung paano niya nalaman ang lahat bago magdesisyon na gawin ang mga bagay na ito.
Kinwento ng janitor na si Karl ang lahat lahat ng nakita niya ng gabing iyon ng malaman ang sikreto niya. Kaya niya napagplanuhan ang lahat ng ito. Oo. Plano ang lahat ng ito. Hindi niya talaga nakikita si Melissa. Pinlano niya lahat ng nangyari mula sa umpisa. Kung paano niya nilagyan ng lason ang inuman ng kanilang Manager at ni Tyron. Kung paanong sinira niya ang locked ng pintuan para hindi agad sila makalabas. Kung paanong sinira niya ang pindutan ng elevator para ang emergency stairs ang gamitin nila. Kung paanong pinainom niya ng pampatulog ang guwardiyang bantay sa gabing ito. Kung paanong madudulas si Mikhael dahil sa nilagay niyang kemikal sa sahig. Lahat ng yun ay planado niya. Lahat lahat ng nangyari ng gabing ito, siya lang ang may kagagawan. At kahit sino, hindi yun makikita. Hindi yun malalaman. Walang makakakita ng pagpatay niya sa kanila. Alam yun ng janitor na si Karl at hindi nito pinigilan ang gagawin niya.
"Maawa ka sakin, Cor. Wala akong kasalanan sa'yo. Wala Cor, wala." Nakaluhod at umiiyak na sabi sa kanya ni Jelinz.
"Malaki ang kasalanan mo, Jelinz. Pinatay sa harap mo si Melissa. Pero wala kang ginawa. Wala kang ginawa, Jelinz. Hindi yun pwedeng palampasin. Hindi. Dahil pinatay ninyo ang kapatid ko. Oo, ang kapatid ko."
Rumehistro ang gulat sa mukha ni Jelinz dahil sa sinabi ng dalaga. Tinulak niya ito saka hinila sa buhok at hinulog din sa hagdan katulad ng nangyari kay Mikhael.
"Naipaghiganti na kita Ate. Nakuha ko na ang hustisyang nararapat para sa'yo." Nakatitig sa kawalang sabi ni Cor sa sarili.
Umupo ito sa hagdan at nagsimulang tumawa sa isiping nagtagumpay siya sa plano niya. Kasabay ng pagtawa niya ay lumabas din ang mga luhang matagal niya ng pinipigil dahil sa pagkawala ng ate niya. At pati na din sa katotohanang mamamatay tao na din siya.
+FIN+

Comments
Post a Comment