If only.
Most People used to say that thing.
Most people regret things they never expected to happen.
I regret not listening.
I regret not thinking.
"I'm happy for you. God bless, Meij." Nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi niya lang alam kung gaano kahirap itaas ang magkabilang gilid ng labi ko para lang hindi niya mapansin ang namumuong luha sa mga mata ko.
-Mixie
==================
If Only - Prologue
I love him.
But he love her.
He is my world.
But she is your world.
I can be there for you always.
Hindi ako mawawala.
Hindi kita iiwan.
Pero hindi mo ako nakikita.
Simply because you're waiting for her.
You're waiting for nothing.
You are so stupid!
You're hurting yourself.
And I can't do anything to lessen the pain.
All I can do is watch you as you fall.
But don't worry.
As long as I can, I'll stay by your side. I will be here for you.
==================
If Only - Full
+Mixie POV+
"She's coming back! Did you hear that, Mix? She's coming! Hindi ka ba excited? Oh. How I've missed her so much!" Masayang sabi sa akin ni Meiji.
Ang aga-aga, ang ingay ingay ng lalaking ito. Sa tinagal tagal naming magkaibigan, alam kong isa lang ang nagiging dahilan kung bakit siya sumisigla ng ganito. Kung bakit sumisilay ang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay siya kay Ayesha.
Bilang kaibigan, ayaw ko talaga siya para kay Meiji. I really don't like her ego. Bukod sa alam kong plastic siya, alam ko ding may itinatago siyang kulo. Sabihin na nating bilang babae, alam ko ang mga galawan niya. And I really hate her for that. I hate her for making this stupid guy fall for her. I hate her for fooling around with Meiji like this.
Kung kaya ko lang papaniwalain si Meiji na hindi siya nararapat para sa babaeng yun, matagal ko ng ginawa. Matagal ko ng sinubukan pero wala siyang ibang bukangbibig kundi hindi ko pa siya kilala, na kailangan ko lang siyang intindihin, na mabait talaga ito, malambing, maganda. Hindi ko masasabing mabait ang isang tao kung harap-harapan nitong pinagmumukhang alalay si Meiji, na ginagawa niyang parang asong bubuntot buntot ito sa kanya.
Ngayong nasa ibang bansa si Ayesha para irepresenta ang eskuwelahan namin, wala man lang natatanggap na matinong text itong si Meiji galing sa kanya. Madalas ay "oo", "busy pa ako" at "ok" lang ang pinapatikim niya dito sa tangang lalaking ito.
"Aren't you happy, Mix?" Tanong niya sa akin.
"Nah. Masaya ko. Tawang tawa nga ako eh. See? I'm so happy." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Kahit pa anong pilit ko, hindi ako matutuwa sa balitang dala niya.
"Ikaw talaga!" Pabiro nalang niyang sabi saka ako kinurot sa magkabilang pisngi na ikinasimangot ko. Masakit ha!
"Kasi naman! Hanggang ngayon, hindi mo pa din gusto si Ayesha. Didn't I tell you? She's kind. Kilalanin mo lang siya and I'm sure you'll be bestfriend!" Pagpapaliwanag niya sa akin.
"As if!" Sagot ko naman sa kanya. Imposibleng mangyari yun. Hindi ngayon, hindi bukas, hindi sa susunod na araw, hindi kahit kailan. Hindi ko nakikita ang sarili kong makakasundo ang babaeng yun.
"You're so stubborn, Mix. Be happy for me, huh? I really love her and you know that. I'm going to propose to her after her flight. I mean, not a marriage proposal of course, just that fiancee thing. Alam mo na, I'm scared to lose her." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa kawalan.
Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Na lahat ng pag-asa na mayroon ako, kahit pa kaunti pa yun, kahit pa napakaliit, ay biglang nawala. Matagal na akong may pagtingin kay Meiji. Matagal ko ng pilit na binabaon yung pagnanasa kong isang araw, makikita niya din ako, na balang araw mapagtatanto niyang ako pala yung mahal niya. Pero kahit ano palang iwas ko sa nararamdaman ko, masakit pa din. Kahit anong gawin ko para lang matauhan siya, hindi pa din niya mapapansin yung ako na nagmamahal sa kanya.
"I'm happy for you. God bless, Meij." Nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi niya lang alam kung gaano kahirap itaas ang magkabilang gilid ng labi ko para lang hindi niya mapansin ang namumuong luha sa mga mata ko.
==================
+Meiji POV+
Ilang beses akong nagpalinga-linga sa restawran na kinaroroonan ko para tingnan kung dumating na ang babaeng hinihintay ko. Katakot-takot na kaba ang nararamdaman ko kahit pa man hindi ko pa siya nakikita. Kinakabahan ako pero sobrang saya din ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Makikita ko na siya, mayayakap, mahahawakan, masasabi ko na ulit ng harapan kung gaano ko siya kamahal.
"Meiji." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng taong hinihintay ko. Oh god, I missed her so much.
"Hon!" Sinalubong ko siya at niyakap ng sobrang higpit. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko man lang napansing tinawag niya ako sa buo kong pangalan at hindi man lang niya ibinalik ang yakap ko.
"Let's take a seat." Akay ko sa kanya paupo. Napakaseryoso ng mukha niya at waring mayroong dinadala. Hinawakan ko ang kamay niya para maibsan ito kahit papaano.
"May problema ba, hon? Are you sick? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Lets call it off, Meiji." Biglang sabi niya sa akin.
"What do you mean?"
"I love someone else. So let's break up."
==================
+Mixie POV+
Inis na inis akong sumalampak sa upuan ng restawran na pinagdalhan sa akin ng kapatid ko.
Makikipagkita lang ang kapatid ko ay isinama pa ako. Nakakainis! Imbis na nakahiga lang ako sa bahay at nagbabasa ng paborito kong libro, nandito ako ngayon sa hindi ko alam kung saan mang lugar ito at nag-aaksaya ng oras.
Tiningnan ko na lang ang mga tao sa paligid. Naghahanap ng gwapo para naman kahit papaano, doon mabaling ang atensyon ko ng mahagip ng mga mata ko ang hindi kaaya ayang sitwasyon na makikita ko sa buong araw ko. Ilang oras ko lang hindi nakasama ang lalaking ito ay napunta na siya sa isang napakakawawang lugar. Ano ba ang gagawin ko para magtanda ka? Kailan ka ba matatauhan? Kailangan bang iuntog ko ng pagkalakas yung ulo mo sa pader para lang mapagtanto mo ang mga bagay bagay?
Nagpaalam ako sa kapatid ko na may babatiin lang saglit at inumpisahang maglakad papunta sa kinaroroonan nila.
"I love him and I want to be with him. I've met him way back abroad and he followed me here. He loves me so much. You know that, Meiji? He gives me everything I want!" Narinig kong sabi ni Ayesha sa kanya. Impakta talaga.
"I love you more than he loves you, hon! You know that! Just give me another chance, please. I beg you." Pagmamakaawa naman si Meiji sa kanya.
Seriously, Meiji? What the hell are you doing? Nagbubulag bulagan ka pa din ba sa totoong ugali ng babaeng yan? Ganyan ba talaga kalaki yung pagmamahal mo sa kanya?
Kung pwede lang mag eskandalo at kaladkarin sa buhok si Ayesha, ginawa ko na.
Pero hindi, hindi ko dapat ibaba ang sarili ko sa isang tulad niya. Kailangan kong kumalma.
"Stop it, Meiji. Stop it. There's no us. Don't hope for anything else. Hindi naman talaga kita mahal. Ginamit lang kita para sumikat. You know, you're the school's idol." Tatawa tawang sabi ni Ayesha kay Meiji. She has that triumphant look in her eyes. Kung pwede ko lang talagang ilapat ang mga palad ko sa pisngi niyang nangangamatis na sa pula, hindi ako magdadalawang isip at gagawin ko na.
"Hey, Honey!" Tawag ko kay Meiji na ikinagulat nilang dalawa. Nananatili namang tahimik ang kasama ni Ayesha na waring hindi niya alam ang nangyayari. Marahil ay hindi ito nakakaintindi ng lengguwahe namin.
"W-what are you doing here?" Maang na tanong sa akin ni Meiji.
"Honey naman. Ikaw talaga. You really love playing around. Oh. Ayesha? I thought you went abroad? Welcome back." Paglalambing ko sa kanya habang nakayakap na sa braso niya. Nakatitig lang ako kay Ayesha habang taas babang tumitingin sa kanya. I can make you feel uncomfortable. I can make you feel conscious. Simply because I'm way more beautiful than you.
"Mix?" Tawag sa akin ni Meiji.
"Lets go honey?" Lumapit pa lalo ako sa kanya at bumulong.
"Sakyan mo lang lahat ng sinasabi ko. Kung ayaw mong ibaon kita sa lupa ngayon din!" Mahina lang ang pagkakasabi ko pero may diin sa bawat salitang binibitawan ko.
"Ayesha girl. Sorry to disturb your date. Pagpasensyahan mo na itong honey ko. I'm sure pinagseselos na naman ako nito." Pagtatapos ko sa usapan naming tatlo saka niyakap pa lalo sa beywang si Meiji. Tumawa pa ako ng pang-asar para lalong bumaluktot ang nagsisimula ng pag-angat ng kilay ni Ayesha.
"Honey. Let's go na. Gusto na kitang masolo." Dagdag ko pang sabi. Kitang-kita ko ang pagkainis sa mukha ng babaeng impakta. Halos mamula na ito sa pagkadismaya sa nasaksihan niya. Bakit? Nagsisisi na ba agad siya sa ginawa niya? O gusto lang talaga niyang nagmumukhang tanga si Meiji na tanga na talaga para sa kanya?
"Okay. Tara Honey. Sorry, we need to go." Sagot ni Meiji na tila natauhan na.
That night, I saw Meiji crying himself to death, drinking alcohol so much. Masakit na makita siyang hirap na hirap pero wala akong magawa. Naiiyak na din ako dahil nasasaktan siya ng sobra.
"I-I love her so much, Mix! You know that. She's my life and she just used me? It really hurts." Paghihimutok niya saka tumungga ulit sa boteng hawak hawak niya.
==================
Ilang buwan din ang nakalipas magmula ang insidenteng iyon. Hindi ko alam kung hindi pa din nakakalimutan ni Meiji si Ayesha. Magmula ng gabing iyon, hindi ko na narinig na banggitin niya ito. Madalas silang magkasalubong pero wala ni isa man sa kanila ang nagtatangkang mamansin at tumingin. Bumalik sa dati si Meiji, yung masayahing siya, yung makulit at palaging nakangiting Meiji. Kung totoo man iyon, masaya ako para sa kanya. Pero bakit pakiramdam ko, tinatago niya lang ang sakit? Tinatago niya lang ang pait na naganap sa buhay niya?
"Mix." Tawag niya sa akin.
"Uh-huh?" Sagot ko naman sa kanya habang nakain ng tinapay na binili ko sa kantina namin.
"Can we go out?" Seryoso niyang sabi.
"Saan tayo pupunta?" Maang ko namang tanong.
"So slow! I mean, can I court you?" Nasamid naman ako sa sinabi niya. Shit! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Nagpapatawa ba siya?
"Here! Water!" Tarantang sabi niya pagkatapos iabot sa akin ang isang baso ng tubig.
"You insane?!" Sigaw ko pagkatapos makabwelo sa tanong niya.
"No?"
"Then, why are you asking questions like that?"
"Because I want to?" Parang batang sagot niya sa akin.
"Sira ulo!" Sigaw ko pagkatapos ay nagumpisa ng maglakad palabas ng kantina ng eskuwelahan namin. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay narinig ko siyang sumigaw na dahilan para kantiyawan kami ng mga naroon.
"I'm serious, Mixie Robbins! I think I'm falling for you!"
"Sabi ko na nga ba, sila din ang magkakatuluyan eh!" Narinig ko pang sigaw ng isang babae.
"Sagutin na yan!" Paulit-ulit na sigaw ng mga tao sa loob ng kantina. Hindi ko na alam ang nangyayari. Tila isang panaginip lang lahat ng narinig ko. Ayaw ko ng gumising kung ganoon man.
"I'm serious here, Mix." Seryoso niyang sabi matapos makalapit sa akin.
"Then, then do what you want!" Sigaw ko sa kanya.
"You're blushing," Tatawa tawa niya pang sabi. Kung alam mo lang kung gaano ko katagal hinintay mangyari ang lahat ng ito, kung alam mo lang kung gaano ko pinangarap na magustuhan mo ko, Meiji Martinez.
==================
Ilang linggo lang ang panliligaw na ginawa ni Meiji at sinagot ko na din siya. Patatagalin ko pa ba kung mahal ko naman talaga siya? Akala ko, nagpadalos dalos lang si Meiji sa desisyon niyang maging kami pero ngayon ay halos magtatatlong buwan na kami. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae. Hindi ko kayang ipaliwanag ng salita lang ang nararadaman ko. Alam ninyo yun? Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Kahit na minsan, naiisip ko na ibang iba siya nung sila ni Ayesha, hindi ko na lang pinapansin. Maybe that what love really is when its true. It always brings out the stupid part in you.
Naglalakad na ako papunta sa silid aralan namin ng maisip kong pumunta muna sa palikuran para mag-ayos. Bago pa man ako makarating ay may narinig akong nag-uusap ng seryoso sa may gilid bago pa ang palikuran kaya natigilan ako.
"Ikaw pa din ang mahal ko." Narinig kong sabi nang lalake.
"B-but you have her. There's no us na, right? Even if bumalik pa ako sa'yo." Paawa namang sabi ng babae. Aalis nalang sana ako ng biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pamilyar na pamilyar ang boses nilang dalawa.
"H-hahanap ako ng tyempo. Bumalik ka lang sa akin. Yes, she's my girlfriend, pero alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, hindi ba? Babawi lang ako sa kanya. You know, she's been very kind to me." Sagot naman nang lalake.
"Talaga? Gagawin mo yun, hon? Thank you. Mahal talaga kita!" Masaya namang sabi ng babae sa kanya.
Hon? Pakiramdam ko ay guguho na yung mundo ko pero pinilit ko pa ding silipin kung sino yung nag-uusap. Nanlalamig na yung mga kamay ko at alam kong sobrang lamig na ng pawis na lumalabas sa katawan ko dahil sa kaba. Tumambad sa mga mata ko ang mukha ni Meiji at Ayesha. So naging panakip butas lang pala ako? Mahal pa din talaga ng hayop na babaeng yun pagkatapos ng lahat ng nangyari? Hindi ba niya natatandaang yung impaktang yun ang dahilan ng pagkadurog ng puso nya dati?
Humakbang ako palayo at tumakbo hanggang hindi na kaya ng mga paa ko. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi ng bahay ng dahil lang sa ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na alam kung anong mukha ang sinalubong ko sa mga magulang ko. At lalong hindi ko na kinaya ang sakit dahil alam kong nakatulog na ako habang umiiyak ako ng husto.
==================
+Meiji POV+
"Hon." Tawag sa akin ni Ayesha. We are back together. Magdadalawang linggo na ng maging kami ulit at dalawang linggo ko na ding hindi nakikita si Mix. Alam kong mali na hindi ko sinabi sa kanya, alam kong masasaktan ko siya oras na malaman niya, pero hindi ko matiis na hindi balikan si Ayesha. She's my girl. She's been the world to me and I think, I still love her. I think, I still care for her. Ilang araw ko ng sinasabi ang mga katagang yun pero pakiramdam ko ay may kulang. Pakiramdam ko, hindi buo yung pagkatao ko. Pakiramdam ko, may nawawalang parte ng buhay ko.
''Hon!" Sigaw ni Ayesha sa akin.
"Hon? Sorry Sorry. I'm just thinking of something." Sagot ko sa kanya.
"Something ba? O someone? Si Mixie na naman ba ang iniisip mo? That girl,she stole you away from me! She flirted with you!" Galit na galit na sabi niya sa akin.
"Stop it, Ayesha. She's not that kind of girl." Sagot ko sa kanya.
"Sige. Kampihan mo siya! That bitch ruined our relationship!" Pabalang pang sagot niya na ikinainit ng ulo ko.
Little by little, every memories of Mixie run through my mind. Miss na miss ko na si Mix. Gusto ko na ulit siyang makita, makasama, makausap. Napagtanto ko kung gaano ako kasaya sa piling niya, sa tabi niya. Akala ko lang pala, mahal ko pa si Ayesha. Akala ko, may kami pang dalawa. Nasanay lang siguro ako na paniwalaan na si Ayesha ang mahal ko. Pero hindi, si Mixie na yung mahal ko.
"No, Ayesha. She is not the one who ruined it. It's you. I'd give you my best. But still, it isn't enough. Sorry. I thought I still love you." Seryoso kong sagot sa kanya pagkatapos ay tumayo na. Kailangan kong makausap si Mixie. Kailangan ko siya sa buhay ko.
"But Meiji!"
"No buts, Ayesha. We're done."
==================
+Mixie POV+
Dalawang linggo. Dalawang linggo na akong nakakulong dito sa kwarto. Lalabas lang ako kung kailangan ko ng kumain at maligo. Hindi man lang siya nagtangkang puntahan ko. Siguro, masayang masaya na siya sa piling ni Ayesha. Siguro, pinagtatawanan na ako ng babaeng yun. Siguro, pinagmumukha na naman niyang tanga si Meiji. Siguro, nagagawa na nila yung gusto nila ng walang asungot na katulad ko. Nag-uunahan na namang bumagsak yung mga luha sa mata ko sa mga ideyang pumapasok sa utak ko.
Bakit ganoon? Ang sakit pa din. Sabi nila time heals every wound, pero bakit parang ang tagal naman atang gumaling nung sa akin? Bakit kailangan kong magdusa ng ganito katagal sa lalaking nung umpisa palang alam ko ng hindi ko kayang maangkin? Ang tanga ko kasi eh, umasa pa kasi ako. Ayan tuloy, bumagsak ako.
"Mixie." Narinig kong tawag sa akin ng lalaki sa kabilang parte ng pinto ko.
"Mixie. Please. Let's talk." Ulit pa niya.
"M-meiji?" Takang-taka kong tanong.
"Please open the door." Napatindig ako ng mapagtantong si Meiji nga ang kumakatok sa pinto ko. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi pa ako handa.
"Your mom allow me to enter." Dagdag pa niya.
"No. Ayokong makita ka. Umalis ka na, please!'' Sagot ko sa kanya.
Bakit? Bakit ba niya ako pinuntahan dito? Ano? Ipapamukha niya ba sa akin na sila na ulit ni Ayesha at masaya na siya? Fuck! Magsama sila ng cheap na babaeng yun!
"Sisirain ko itong pinto mo kapag hindi ka lumabas!" Sigaw niya sa akin. Sa pagkakataong ito, napakalakas na ng kalabog sa pinto ang narinig ko.
''What do you think you're doing!" Sigaw ko sa kanya.
"Eto na, lalabas na!" Dagdag ko pa. Pero bago ko binuksan ang pinto ay madalian ko munang inayos ang sarili ko. Namumugto man ang mata ko ay wala na akong magagawa kung harapin siya.
"Ano bang problema mo ha!" Singhal ko sa kanya ng tuluyan ko na siyang harapin. I tried to calm myself but I can't.
"'Let's talk." Seryoso niyang sabi sa akin.
==================
Nandito na kami sa dati naming tambayan. Kung saan puro saya lang yung ginagawa namin, kung saan puro nakakatuwang ala-ala lang yung namamalagi.
''Speak." Utos ko sa kanya.
"Bakit ka ganyan? Bakit bigla kang nawala. Hindi mo ba alam na miss na miss na kita?" Nakatitig niyang sabi sa akin.
Ano bang pinaplano niya? Akala niya ba maloloko niya ako? Akala niya ba lagi akong magpapakatanga sa kanya?
"'Really? Well, I'm good. Nothing to worry, Meiji. Panatag ka na? Then, you can leave." Matigas kong sabi sa kanya. Pigil na pigil na mamuo yung luha sa mga mata ko. Kailangan kong magpakatatag. Mahal niya si Ayesha at wala akong lugar sa puso niya. Yun yung bagay na kailangan ko ng tanggapin.
"Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?" Naghihinanakit na tanong niya sa akin. Natawa ako sa reaksyon niya. Kailan ba siya nagkaroon ng totoong paki sa akin? Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya lang ako.
"No. Actually, I'm making your situation easier. Go back to Ayesha. I bet she's waiting for you. Baka mamaya may date pa kayo. Makaistorbo pa ako." Sagot ko sa kanya.
I finally said it. Oo, masakit. Pero kailangan kong tanggapin ito. Kailangan kong ipamukha sa kanya na kaya ko. Kailangan kong iparating sa kanya na alam ko na lahat, na yung puso niya, si Ayesha lang yung nagmamay-ari.
"Hey. What are you talking about? Sa'yo lang ako, Mix. At sakin ka lang din, hindi ba? You promised me." Sagot niya pagkatapos ay tinutop ang magkabilang pisngi ko sa mga palad niya.
Promise is just a stupid word. Everybody broke promises. Even you, Meiji.
"No. Hindi ako sa'yo. Dahil kahit kailan, hindi ka naging akin.'' Naiiling kong sabi sa kanya. Pinilit kong ngumiti, kahit na sa kaibuturan ng puso ko, gusto ko ng sumigaw sa sobrang sakit. Gusto ko ng magkulong ulit sa kwarto at ilabas lahat ng sama ng loob ko.
"Narinig ko kayo, Meij. Ako ang girlfriend mo, pero siya. S-siya pa din yung mahal mo." Dagdag ko pang sabi sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Halatang gulat dahil sa alam ko ang napag-usapan nila. Wala na. Dumaloy na yung mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipilit pigilin.
"Ok. Let's fix this para naman matapos na ito. Pagod na din kasi ako.Naiintindihan ko na binalikan mo siya. Hindi mo kailangang bumawi sa akin. I just want you out of my life. Ayoko ng makausap ka. Lets end it here. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako yung tipong naganti. Mananahimik ako, Meiji. Sana, sana sumaya ka sa kanya." Pagpapaalam ko sa kanya. Tumayo na ako at maglalakad na sana palayo pero hinila niya ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Mahal kita, Mix. Please, believe me! Ayokong mawala ka. Sorry. Akala ko kaya kong mawala ka. Akala ko mahal ko pa siya. Sorry, Mix. I know I've taken you forgranted. Please, Mix. Give me another chance."
I burst into tears. Hindi ko na alam yung dapat kong paniwalaan sa hindi. Hindi ko na alam kung kaya pang tanggapin ng puso ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bumabalik lahat ng masasaya at masasakit na ala-alang natamo ko ng kasama ko siya. Can I really trust him now? After all of this?
"Kung mahal mo ako, bakit mo ako sinasaktan? Tang inang pagmamahal yan. You know, Meij. I don't need that kind of love. Madaming pwedeng magmahal sa akin. Yung mas kaya nilang iprioritize ako. Mas kaya nilang pahalagahan ako. I deserve that, right? I deserve to be loved kahit papaano. Ayoko ng may kaagaw. Ayoko ng nasasaktan. Pero yun yung nararamdaman ko sa lecheng relasyon na ito! Wala naman akong pakialam sa iba eh. Pero ikaw mismo, ikaw mismo yung nanggago!" Hinanakit kong sagot sa kanya.
Ayaw tanggapin ng utak ko yung mga sinasabi nya. Nandoon ako nung mga panahong si Ayesha ang mahal niya. Alam kong dapat tinanggap ko na noon pa na wala talagang kami, na tigilan ko na ang pangangarap ng gising, na masasaktan lang ako.
"Listen, Mix. I love you, okay? Trust me. Please, trust me.''
"Narinig ko na yan, Meiji, ng paulit ulit. But you keep on breaking it. You keep on breaking my heart." Tinuro ko yung puso ko. Wasak na wasak na siya at hindi ko alam paano bubuuin.
Sa tuwing mahuhuli ko siyang may kasamang ibang babae mula ng nangyari yung sa kanila ni Ayesha. Sa tuwing pinapakita niyang hindi ako mahalaga sa kanya. Sa tuwing nakakalimutan niyang siputin yung mga lakad namin at kamustahin ako. Tinanggap ko lahat ng iyon. Inintindi ko. Dahil inisip kong kailangan niya ng oras. Na hindi pa talaga siya nakakalimot sa nangyari sa kanya. It's because he's moving on. I'm stupid. I'm fucking idiot to make myself dumb in this fucking love. Ang tanga tanga ko. Nabiktima din ako ng gagong pag-ibig na yan.
"Salamat sa lahat, Meiji. You made me realize yung mga bagay na nakalimutan ko. Love is just a game. You can't erase the pain you've made. What done is done. Touch move, Meiji. I don't need your freakin' lies. Kung ganito na sinasaktan mo lang ako. Hindi kita kailangan." Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang bumalik sa kanya.
"Please, Mix. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. I-im not lying. I just thought I still love that Ayesha. But I realize it was you who I wanted. Please believe me, Mix."
"Just. Just leave me alone, please!" Tumakbo ako palayo sa kanya. Palayo sa sakit na nararamdaman ko.
"Mix!" Sigaw niya sa akin.
Ang bilis ng pangyayari na hindi ko alam kung panaginip lang lahat. Nakahiga ako sa gilid ng kalsada at iniinda ang sakit na nagmumula sa binti at braso ko.
"Tulungan niyo sila!" Narinig ko pang sabi ng isang babae.
Nilingon ko si Meiji at nakita itong nakahandusay din katulad ko. Pero bukod doon ay nagimbal ako sa dugong patuloy na umaagos sa parte ng ulo niya. Pinilit kong tumayo at maglakad palapit sa kanya.
"M-meiji!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy pa din ang pag-agos ng likido sa mukha niya. Fuck! Meiji! Please open your eyes!
"Mix." Narinig kong sabi kahit nakapikit siya.
"M-mahal na mahal kita. Tatandaan mo yan palagi ha?" Pagpapatuloy niya.
"Meiji naman! Huwag kang magsalita ng ganyan! Hindi kita mapapatawad kapag iniwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya.
He just smile. He just smile until he gave his last breathe by my side. And that's the last thing I remember about him. that's the last thing I saw him alive.
+FIN+
==================
If Only - Epilogue
Walang kahit na sino ang nakakalam kung kailan tayo mawawala, kung kailan tayo maiiwanan o mang iiwan. Kaya hangga't may pagkakataon tayo, sabihin na natin sa mga taong mahal natin kung gaano sila kahalaga. Bago mo pagsisihan ang lahat.
Ikaw din. It's hard to regret everything.
If only I listened to him that time.
If only I hugged him back.
Kung hindi lang sana ako nagmatigas.
I bet, nandito ka pa din at nangungulit.
I miss you.
Yung boses mo.
Yung mukha mo.
Yung pagiging tanga mo.
Kahit na wala ka na, Meiji Martinez.
You will always live here in my heart.
I will always remember that I loved you.

Comments
Post a Comment