Skip to main content

Bulong - Full

 


+HER POV+

"Wala kang matataguan, Aubrey. Kahit anong pilit mong lumayo, mahahanap kita. Hindi ka makakatakas sa akin." Narinig kong sabi ni Henry habang pinapanuod kong dalhin siya ng kanyang mga paa palapit sa kinarorooonan ko.

Nasa ilalim ako ng kama at pilit na pinipigil na may kumawala sa boses ko. Ang mga kamay ko ay pilit na nakatakip sa aking bibig para hindi niya marinig ang mga hikbing nagmumula sa pag-iyak ko. Hindi ko alam kung ilang dasal na ang nagawa ko para lamang hindi ako makita ni Henry.

Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit nga ba nangyari ang lahat ng ito? Sari-saring tanong ang pumapasok sa isipan ko na lalong nagpalito sa utak ko. Kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko ang pagbabalik ko sa mga ala-ala bago mangyari ang lahat ng ito.

=+=+=+=+=+=+

"Dapat hindi mo na niyayaya yun si Henry. Hindi mo ba nahahalatang ayaw niya na tayong kasama?" Sabi sa akin ni Nado ng nalaman niyang inalok ko na naman si Henry na sumama sa aming maligo sa batis.

"Nagbabakasakali lang naman ako na baka ngayon, sumama na siya. Malay ninyo, nahihiya lang siyang lumapit sa atin."

"Naku, Aubrey. Kung gusto niya, siya na mismo ang lalapit. Nagbago na siya. Huwag ka ng umasa."

Banat naman ni Mica na patuloy ang pagtatampisaw kasama si Jeunice. Totoo namang malaki ang pinagbago niya. Pero umaasa pa din ako na balang araw, babalik yung dating ngiti niya. Simula ng mamatay ang mga magulang niya sa aksidente ay parang nawala na din ang Henry na kilala namin.

Madalas ay tahimik lang siya, nakatulala at nakatingala sa kalangitan. Kahit na ang mga tiyahin at tiyuhin niyang kumupkop sa kanya, nangangamba na din sa mga kinikilos niya. Hindi naman kami nagkulang ng pagsuporta sa kanya pero pilit pa rin niyang inilalayo ang loob niya sa amin. Hanggang sa hindi na namin siya maabot, hanggang sa tila ibang Henry na ang nakikita namin.

=+=+=+ =+=+=+

"Hindi ka ba nasasawa sa lugar na ito? Paulit ulit. Walang bago." Halos magkatabi lang kami ni Henry ng tirahan kaya rinig ko ang pinag-uusapan ni Henry at ng mga kaibigan niya habang nakaupo sila sa dati naming tambayan.

"Eh ano naman ang gusto mong mangyari, Trud? Wala ka naman talagang pwedeng gawin sa lugar na ito kundi tumunganga."

"Gusto lang ng kasiyahan niyang babaeng yan, Henry. Bakit hindi mo na lang pagbigyan?" Singit naman ng lalaking katabi niya.

"Sige. Ano bang gusto ninyong mangyari, Xaphan?

Hindi sumagot ang dalawa. Bagkus ay nakita ko silang ngumiti ng malademonyo saka tumingin sa pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba ng mapako ang tingin nila sa akin. Hindi normal na ngiti ang makikita sa kanila. Unti-unti akong humakbang papasok ng tirahan namin dahil sa kaba na nararamdaman ko. Biglang nagtayuan ang balahibo sa katawan ko at tila paulit-ulit akong pinapatay ng ngisi at tingin na pinupukaw nila sa direksyon ko. 

Isang beses ko pang sinulyapan si Henry kasama ang mga kaibigan niya pero halos manlamig ang buo kong katawan at manigas ang mga paa ko ng makitang magbago ang mukha ng dalawang pigurang tinatawag niyang kaibigan. Hindi na sila mukhang tao kundi demonyo. Namumula ang mga mata ng mga ito na parang apoy ng impiyerno ang sinisimbulo. Ang mga balat nila'y parang tinalupan at inihagis sa kumukulong tubig dahil sa naaagnas na ang mga ito. Kitang kita ang mga litid, ugat at bawat hibla ng katawan nila. Ang mga ngisi nila'y naging babala na may masamang mangyayari na lubos nilang ikatutuwa. Hindi sapat ang mga salita para ilarawan ang buong imaheng nasasaksikan ko. 

Hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Pinipilit kong ilayo ang paningin ko sa dako ni Henry pero hindi ko magawa. Sinusubukan kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Nakita kong tumayo si Henry. Nakatitig lang ako sa kanya ng lumingon din siya sa kinaroroonan ko. Nakangisi din siya tulad ng mga demonyong katabi niya. Hindi na tao. Hindi na tao ang kababata ko.

=+=+=+ =+=+=+

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Napabalikwas ako ng makarinig ng hagulgol na nagmumula sa labas ng tirahan namin.

Bigla akong kinilabutan ng maalala ang nangyari kagabi. Tandang tanda ko pa din ang imahe nila sa isipan ko. Isang masamang panaginip lang pala. Nakahinga ako ng maluwag sa isiping iyon ng biglang lumapit sa akin si Amang para ibalita ang nangyari sa mga kababayan ko. Marami ang natagpuang hindi na humihinga ng umagang yaon. Hindi kayang bilangin ng daliri ang mga taong tuluyan ng humimbing sa pagkakatulog nila. Tila isang masamang nilalang ang isa-isang pumasok sa panaginip nila at hindi na sila hinayaan pang huminga. 

"Sina Mica? Jeunice? Asan sila Amang? Kasama ba sila?"

Narinig ko siyang bumuntong hininga ng malalim saka sumagot ng "OO" na naging dahilan ng pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.

=+=+=+ =+=+=+

Naaalala ko pa ang sinabi ni Henry ng sinubukan ko siyang kausapin pagkatapos ang pangyayaring yaon. Nang sinabi kong mga demonyo ang kaibigan niya at kailangan niyang magbalik loob sa Diyos.

"Hindi mo sila kilala, Aubrey. Sila ang naging sandalan ko ng kinuha ng Diyos mo kung anong mayroon ako. Sila lang ang naging kasama ko sa panahong malungkot ako. Sabihin mo sa akin, Aubrey. Anong magagawa ng Diyos ninyo para linisin ang mundong ito? Wala! Wala siyang magagawa kundi ang manood. Manood hanggang lahat ng taong nabubuhay sa mundong ito, matulad sa mga magulang ko." 

Nagbalik ako sa ulirat ng marinig ang pagpapaliwanag ni Amang patungkol sa mga kaibigan ni Henry.

"Malaki ang posibilidad na mga demonyo nga ang kaibigan ni Henry. Napakaemosyonal na bata niyang si Henry. Madali siyang madaig ng tukso. Madali siyang magpatalo sa kanyang nararamdaman. Kaya ikaw bata ka, magpakatatag ka. Huwag na huwag mong isusuko ang pananalig mo sa kanya. Kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok ang harapin mo. Hindi niya tayo pababayaan. May plano siya para sa ating lahat. Palagi siyang may plano. Lagi mong tandaan iyan." Tuloy tuloy na pagpapaalala sa akin ni Amang habang nakaturo sa itaas. 

Mahilig magbasa ng iba't ibang klaseng libro si Amang kaya hindi na kataka-taka na naniwala agad siya sa kinwento ko. Tama ako. Mga demonyo ang kaibigan ni Henry. Hinayaan niyang lamunin siya ng galit sa mundo. Hinayaan niyang lumugmok siya at sulsulan ng mga masasamang elemento.

"Paano naman sila patitigilin, Amang? Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng antayin na lang natin na isa-isahin nila tayo." Tanong ko kay Amang. Itinuro naman niya ang puso niya na siyang ipinagtaka ko.

"Walang makapagpapatigil nito kung hindi si Henry lamang, anak. Hindi siya sinasapian. Hindi siya kinokontrol ng mga ito kundi kusang loob niyang sinusunod ang giliw nila. Kailangan ba nating kitilin ang buhay ni Henry? Hindi, anak. Kailangan nating ibalik ang puso niya na nawala kasabay ng pagyaon ng magulang niya. 

"Umalis ka na dito. Bilis na! Malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam kong kaya mong gawin ang nararapat. Ingatan mo ang sarili mo, anak." Dagdag pa ni Amang na ipinagtaka ko.

Ipinahawak niya sa akin ang patalim na laging nakasukbit sa baywang niya upang ipangproteksyon saka ako tuluyang itinulak sa bintana palabas ng tirahan namin. Bago pa man ako tuluyang malaglag ay nahagip ng mata ko si Henry na nakatayo sa aming pintuan at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Amang.

"Amang!" Sigaw ko ng tuluyan na akong malaglag pero imbis na mukha ni Amang ang bumungad sa bintana ay si Henry ang lumabas dito. Nakangisi at may patak ng mga dugo sa pisngi niya.

Wala man akong lakas pero pinilit kong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo palayo sa kanila. Pumasok ako sa tirahan ni Henry sa pagbabakasakaling makakahanap ng tulong pero tumambad sa mga mata ko ang naliligo sa dugong bangkay ng tiyuhin at tiyahin niya. Pinigil kong sumigaw dahil may narinig akong mga yabag na nanggagaling sa labas ng tirahan na pinasukan ko.

"Halimaw. Mga halimaw sila. Paano ko matatalo ang mga demonyong yun? Wala akong laban. Wala akong magagawa." Sigaw ng isipan ko habang naghahanap ng pwede kong mapagtaguan.

Nasa ilalim ako ng kama ngayon at pilit na pinipigil na may kumawala sa boses ko. Tinatakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang mga hikbing nagmumula sa pag-iyak ko. Hindi ko alam kung ilang dasal na ang nagawa ko para lang hindi ako makita ni Henry. Nadadagdagan ang kaba at takot ko habang nakikita ang mga binti niyang palapit sa kinaroroonan ko.

Sandaling tumigil ang paghinga ko sa isiping ito na ang katapusan ko. Napapikit ako at nakahinga ng maluwag ng mapanuod kong unti unting na siyang lumalayo. Makakatakas na ako. Ligtas na ako. Pero hindi. Nakalimutan kong hindi nga lang pala si Henry ang pinagtataguan ko. Pagmulat ng mata ko ay tumambad sa harapan ko si Trud. Nakatitig ang bilog na bilog at pulang pula niyang mata sa akin. Nakangiti siya na animo'y sayang saya sa nangyayari. Rinig na rinig ko ang paghagikgik ng boses niya at kitang kita ko ang mga ngipin niyang halos hindi magkamayaw kung saang direksyon pupunta.

Hindi ko na napigilan ang boses na kumawala sa lalamunan ko. Mas nakakatakot ang makita ng malapitan ang demonyong ito. Nagmamadali akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nadagdagan pa ang kaba sa puso ko ng makita ko si Henry na nakatayo sa harapan ko. Sinubukan kong tumakbo palayo pero hinila niya ang buhok ko at sinakal ako ng ubod lakas.

"Nasaan na ang Diyos mo? Hindi ba siya bababa para iligtas ka? Subukan mong magdasal. Pero pababayaan ka lang niyang mamatay sa mga kamay ko, Aubrey. Iiwan ka niya. Hindi mo siya maaasahan."

Ang lalim ng boses niya. Punong puno ng galit ito na manghihina ang kahit sino mang makarinig sa kanya. Nauubusan na ako ng hangin ng maalala ko ang patalim na binigay sa akin ni Amang na itinago ko sa bulsa ko. Kinapa ko ito at biglang sinaksak si Henry sa braso para bitawan niya ako. Sinaksak ko din siya sa hita saka tuluyang lumayo. Namimilipit siya sa sakit. Awang awa man ako pero hindi ko siya pwedeng tulungan.

Nakalabas na ako ng tirahan nila at ngayon ko lang napansin ang apoy na unti unting lumalamon sa nayon namin. Pati na din sa mga bangkay na tahimik lang na nakahimlay. Impiyerno. Impiyernong matatawag ang lugar na ito.

Lumapit pa lalo ako at nakita kong unti-unti na ding nilulukob ng apoy sina Mica at Jeunice. Hindi ako makapaniwalang sa ganito hahantong ang mga taong mahal ko.

=+=+=+ =+=+=+

Napasigaw ako sa sakit nang may bumaon sa mga balikat ko. Kitang kita ko kung paano dumaloy ang pulang likido sa braso ko.

Naabutan niya ako. Kitang kita ko si Henry habang nakangisi at lalong dinidiin ang patalim sa katawan ko. Pati na din si Trud na halos mapunit na ang labi sa sobrang pagkakangiti. Napaiyak ako sa hapding iniinda ko. Lalo na ng bigla niyang tanggalin ang patalim sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang talim nito na unti unting humihiwa sa mga laman ko. Hindi ko alam pero kusang pumasok sa utak ko ang mga ala-ala ng pagkakaibigan namin bago ang lahat ng ito.

Napaluhod ako para iparating na sumusuko na ako. Wala na akong magagawa. Kailangan ko ng tanggapin ang pagkatalo ko. Ang pagkatalo namin. Pagod na ako. Gusto ko ng sumama sa mga taong mahal ko.

"Paalam, Aubrey. Patawad. Patawad sa lahat." Nauutal na sabi ni Henry na nakapagpalingon sa akin sa gawi niya. Umiiyak siya. Nakangiti at nangingig ang kamay niyang isinaksak ang patalim sa puso niya.

"Henry!" Sigaw ko ng nakita ko siyang palapit sa nagbabagang apoy malapit sa amin. Bumalik si Henry. Bumalik siya. Bumalik ang kababata ko.

"Pabayaan mo na ako. Eto lang ang paraan para matapos ito." Iiling iling niyang sabi sa akin saka tuluyang nagpatihulog sa apoy na lumamon sa katawan niya.

Unti unting naglaho ang itsura ni Henry sa paningin ko. Tapos na. Tapos na ang lahat. Nasa gitna ako ng isiping yaon ng marinig ko ang isang hagikgik sa likod ko. Si Xaphan. Nakatingin at nakaturo sa gilid ko. Makikita sa itsura ng mukha niya ang labis na kasiyahan.

"Bakit ka tumatawa? Tapos na ang lahat! Wala na kayong magagawa! Umalis na kayo dito!" Pasigaw kong sabi kay Xaphan na wala pa ding tigil ng pagtawa. Dahan dahan akong lumingon sa gilid ko tulad ng tinuturo niya.

Sobrang kaba ang naramdaman ko lalo na ng tumambad sa akin si Trud na nakapulupot kay Nado. Habang si Nado naman ay may hawak na malaking bato. Nakatawa tulad ng mga demonyong dahilan ng lahat ng ito. Napahagulgol na lang ako habang pinapanuod silang makalapit sa kinaroroonan ko. Wala akong magawa kundi hintayin ang katapusan ko. 

Oo. Ito na ang katapusan ko. Kasabay ng pagpalo niya ng bato sa ulo ko ang pagdilim ng paningin ko. Hindi ito ang mundo ko. Mundo ito ng mga demonyo.

+FIN+

Comments

Popular posts from this blog

KUROKO NO BASKET MOVIE 4 LAST GAME SUMMARY

KUROKO NO BASKET MOVIE 4 LAST GAME SUMMARY -TADATOSHI FUJIMAKI When you thought that the story ends after the Winter Cup Tournament, this movie turns out to be the final phase of the story. Well, basketball does not end in one's country. After winning the game, there is no doubt that another player, much more talented, much more better, will go your way. During the movie, American Basketball Team, famous in the field of Basketball visited Japan. A point where all of the members of the Generations of Miracles, along with Kuroko and Kagami, will have to fight them comes. It is a very interesting and exciting movie since it will be the first time showing how they play as a real team. How they realize that there are players who can match up on their level, who can take them head on, that will trigger them to do more than what they are doing. And to depend on their teammates because basketball is a five player game and not one. Well, Kuroko did made them realize that fact. What I find k...

KUROKO NO BASKET MOVIES 1 2 3 SUMMARY

KUROKO NO BASKET MOVIES 1 2 3 SUMMARY -TADATOSHI FUJIMAKI 1. Movie 1 Winter Cup Soushuuhen - Kage to Hikari 2. Movie 2 Winter Cup Soushuuhen - Namida no Saki e 3. Movie 3 Winter Cup Soushuuhen - Tobira no Mukou Movie one, two, and three is a summarize version of Season one, two, and three. Though unlike the Season one series where it tackles first the plays Seirin made in order to participate in the Winter Cup and Season 2 moving on to the tournament itself, the Movies focuses on the Winter Cup alone and show only a bit of introduction from the Season one series. The movies consist of the highlights and the outplays Team Seirin did in order to defeat every team with a Generation of Miracles member. It is a waste not to watch them but I decided not to. Not because it will be a waste of time but I know that watching it will make my memory jumble. Since I've watched each episodes of all three seasons, I already know how the story goes. But apart from that fact, every bit of extras, no...

BUNGO STRAY DOGS - EPISODE 1 ANIME REVIEW

BUNGO STRAY DOGS - EPISODE 1 ANIME REVIEW -ASAGIRI KAFUKA When all is lost and no one else is there helping you, when even the little thing you had has been taken away from you, when you had nowhere to go, broken, hungry and hopeless, do you believe that someone might come and take the wheel of your life, turning it down up for you to survive? Will you grab the chance given to you, proving that those painful words thrown to you is nothing but their baseless opinion? Do you have the courage to change and to start anew? I don't know about you. But let's see if you'll take the same course as Atsushi Nakajima.  The story is written by Kafka Asagiri and being handled by Bones. This animation studio also produced anime's we all know of like Boku no Hero Academia, Full Metal Alchemist, Ouran High School, Darker than Black, and more. Isn't it exciting? What's more is the existence of Seiyuu's involved on this anime adaptation such as Miyano Mamoru who's popular ...