Walang titulo, walang sa akin at walang sa iyo.
Isip ko'y lito, ano bang mayroon tayo?
Mga gawi mo ba'y mapaniniwalaan ko?
Sapat bang pruweba ang mga salita mo?
Maaari ba kitang angkinin, puso mo'y aking nakawin?
Maaari ko bang malaman ang iyong mithi o hangarin?
Mamasdan ang eksistensya mo ay isa sa aking hiling.
Nang hindi lang sa panaginip kita makapiling.
Comments
Post a Comment