Bawat bukas ng bibig, puro litanya ang laman.
Walang katapusang hinaing, ginagawa'y wala naman.
Sisi dito sisi doon, komento'y walang kabuluhan.
Hindi mawari ang nais, basta't makapang-insulto lang.
Hindi ko batid ang isipan ng mga tao.
Kung hindi mang agrabyado, eto'y puro panloloko.
Kakabigin ang pag-aari ng kahit na sino.
Mabubuting ehemplo, nasaan na kayo?
Huli na ang pagsisisi, wala na ding magsasalba.
Ibaling man ang mata, ganoon at ganoon ang makikita.
Nakasusulasok tingnan, masakit mang tanggapin.
Sila'y hindi na magbabago, ano mang turo ang gawin.
Comments
Post a Comment