Inakit mo ako at iyong itinaboy.
Sa isang mundong puno ng panaghoy.
Ang sabi mo noong una, ito ay masaya.
Ngunit tinanggalan mo lamang ako ng pag-asa.
Minulat mo ako sa lahat ng kasinungalingan.
Pinagkaitan mo akong malaman ang katotohanan.
Pinilit mong ipahayag, hungkag na kaisipan.
Na hindi ko namalayang akin na ding kinasapitan.
Lahat ng kilos mo, galaw at komento
Nagsisilbing lakas sa mga taong tulad ko.
Na tuluyan ng napako sa mga litanya mo.
Na sadya namang nakakalason sa aming pagkatao.
Maawa ka, ibalik mo ang aming wisyo.
Iwanan mo na kami ng may dangal at prinsipyo.
Hindi maging sunud sunuran sa mithiin mong palalo.
Na walang ibang hangad kundi manira ng kahit sino.
Comments
Post a Comment