Laro mo'y iba sa laro kong dala.
Puso mo'y nanakawin, paiikutin ko pa.
Ikukulong sa hawla, itatali ang pag-asa.
Paiiyakin ng labis, puso ay magdudusa.
Labis na kasiyahan sa'yong kalungkutan.
Hindi sukat akalaing aking pagsisisihan.
Mga matang walang latay ng kapighatian.
Binuhay ko ang ugat ng iyong kamalayan.
Tinawag ka, nagmakaawang bumalik.
Lumuhod sa harap mo, sa'yo ako'y sabik.
Presensya mo'y nanlamig, ngumiti ng mapait.
"Ako'y pagod na." ang saki'y iyong sambit.
Comments
Post a Comment