Masangsang na amoy, hindi masikmura ng aking tyan.
Nagising sa lindol, napagtanto kung nasaan.
Pagpanaw ay hindi nais, paggising ay pinagsisihan.
Estrangherong ang kadena'y pinulupot sa'king katawan.
Hinila at kinaladkad, dinala sa kailaliman.
Kung saan mga tulad ko, labis na pinahihirapan.
Mga gawa kong palalo, mga taong inabuso.
Ito na ba ang ganti, sa aking mga naperwisyo?
Sakit na nararamdaman, hindi kayang maibsan.
Nakapagitna sa alab, apoy ang kulungan.
Tangis at pighati, maririnig kahit saan.
Buhay na tinahak, akin nang pinagsisisihan.
Comments
Post a Comment