Labis kong dinamdam, ng ako'y iyong iwanan.
Tumimo hindi lang puso, kundi pati sa aking isipan.
Mga ala-ala ng nakaraan, paulit-ulit kong binabalikan.
Palasong bumabaon, paulit-ulit ding nararamdaman.
Sa bilis ng pagkalimot mo, "Paano?" ang nasambit ko.
Mga pagsubok na ating dinaanan, wala man lang bang naiwang iilan?
Iwinaksi mo na ba ang mga ala-ala, mga saya ng nakaraan?
Mga panahong kasama ka, iyon ay hindi ko malilimutan.
Tangayin man ng panahon, wala man pangalawang pagkakataon.
Ala-ala mo'y hindi ko malilimot, bagkus iingatan ng husto.
Ibabaon, ikakandado, itatago hanggang sa dulo.
Aalagaan, proprotektahan, walang makakapasok ng kahit sino.
Comments
Post a Comment